Kasong panghahalay kay Tony Labrusca, kaduda-duda!

Kasong panghahalay kay Tony Labrusca, kaduda-duda!

May 28, 2021 @ 4:22 PM 2 years ago


Manila, Philippines – “Nadine” ang pangalan ng umano’y hinalay ni Tony Labrusca sa isang party nito pang January.

Ayon sa tsika, naganap ang party sa bahay ng negosyanteng si Nadine sa Makati City kung saan walang kaabug-abog ay hinubad umano ni Tony ang suot nitong spaghetti-strapped blouse.

Nasapo naman daw agad ni Nadine ang nahubarang dibdib.

Ang kapatid ni Nadine na nagngangalang Drake Justin Ibay ang desididong sampahan ng kaukulang kaso ang aktor, na pinagtakpan pa raw ng ina nitong si Mrs. Angel Jones sa ginawa nito.

Maraming tanong ang nakapalibot sa kaso kung totoo ngang nangyari ang insidenteng sangkot si Tony.

Una, kung January pa pala ito naganap, bakit ngayon lang ito lumabas?

Ikalawa, bakit hindi ang negosyanteng si Nadine ang nagrereklamo na siyang umano’y mismong biktima ng acts of lasciviousness?

Ikatlo, kung January ito naganap ay ipinatutupad na ang mga mass gathering dala ng pandemic. Bakit nakalusot ang party na ‘yon sa mga kinauukulan?

At para maimbitahan si Tony sa party, ibig lang sabihin na malapit siya sa pamilya ng host. Ronnie Carrasco III