Kasong rape ikinasa vs  Vhong Navarro

Kasong rape ikinasa vs  Vhong Navarro

September 2, 2022 @ 5:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain ang Office of the City Prosector of Taguig ng kasong rape laban sa  television host na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa 2014 incident kung saan dawit ang model-stylist na si Deniece Cornejo.

Sa impormasyong inihain sa Taguig City Regional Trial Court’s docket noong Agosto 31 subalit ipinalabas lamang sa media nitong Biyernes, inakusahan ng mga prosecutor si Navarro ng panggagahasa kay Cornejo sa paggamit ng “force, threat, and intimidation, and by purposely intoxicating the victim” noong Enero 2014.

Subalit iniatas ng Taguig City Regional Trial Court ang delay sa raffling sa kaso hanggang maresolba ang resolusyon ng motion for reconsideration ni Navarro sa Court of Appeals, maging ang urgent petition sa pag-isyu ng status quo ante order.

“Given the foregoing, the holding of raffle involving the criminal case of accused Ferdinand Navarro should be deferred until the motions are resolved,” ani RTC Executive Judge Antonio Olivete sa order nitong Huwebes.

Naghain si Navarro ng motion for reconsideration nitong Agosto 2, habang ang kanyang urgent motion for the issuance ng status quo ante order ay inihian noong Agosto 11. Base ito sa July 21 decision ng CA na nag-uutos ng paghahain ng rape at acts of lasciviousness charges laban sa host.

Magugunitang nireverse ng 14th Division ng CA ang desisyon ng Department of Justice noong 2018 at 2020 na ibasura ang mga kasong inihain ni Cornejo noong 2014.

Nauna nang humatol ang DOJ na ang rape complaints “lacked probable cause”. Sa affidavit ni Cornejo, inakusahan niya si Navarro ng rape noong Enero 17 at 22, 2014.

Inihayag naman ng abogado ni Navarro na si Alma Mallonga tona nagulat siya sa CA resolution. RNT/SA