Kasunduan nina Joma, Leni dapat isiwalat-Ping
May 3, 2022 @ 7:53 PM
2 months ago
Views:
212
Lydia Bueno2022-05-03T19:53:21+08:00
Manila, Philippines- Nagbabala si presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng masamang epekto sa bansa sakaling may katotohanan na mayroong “kasunduan” sa pagitan nina Communist Party of the Philippines founding chairman Joma Sison at Vice President Leni Robredo.
Tugon ito ni Lacson nang tanungin kamakailan kung ano ang maaaring dahilan sa likod ng umano’y pagsuporta ni Sison sa bise presidente.
“Ano bang deal kung meron man? Kung wala, well and good. Pero kung meron, ‘yun ang masama na naman,” ani Lacson, sa kanyang pasaring kay Robredo na dapat nitong ibunyag ang kanyang naging kasunduan sa mga komunistang terorista.
“We cannot move forward anymore kasi effective na nga ang ginagawa ng present administration to end the five-decade old insurgency problem eh baka mag-fallback na naman tayo, baka magkaroon ng retrograde movement along this line,” paliwanag ni Lacson.
Tinawag naman ni Robredo na fake news ang report na inilathala kamakailan kung saan tinukoy si Sison bilang kanyang adviser at sa kanyang pangangampanya para sa Halalan 2022.
Naglabas din ng statement ang CPP leader kamakailan na nagsasabing walang katotohanan ang naturang report.
Subalit para kay Lacson, hindi na kailangan nang paliwanag sa video ni Sison na iniendorso ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Robredo hinggil sa kung mayroong “deal” sa pagitan nina Sison at Robredo, matapos mapanood ng senador ang video.
“Recently, they denied na. Of course, nag-disclaim din si Joma Sison na hindi siya nag-act na adviser.
“Pero, I came across a videotaped message ni Joma Sison himself endorsing, strongly endorsing the tandem of Vice President Robredo and Kiko Pangilinan very clear doon… Sabi nga natin ‘di ba res ipsa loquitur– the thing speaks for itself,” sabi ni Lacson sa isang press conference kamakailan.
“Nand’on mismo sa tape. So, that says a lot kasi kung heavily endorsed. Ang hindi natin alam what happened in between or what happened behind the scene bakit sila ang ine-endorse ni Joma Sison,” dagdag pa ng senador.
Nilinaw din ni Lacson na walang masama kung mayroong mga hindi sumasang-ayon sa gobyerno kasabay ng pagsasabing hindi ito dapat samahan ng armadong pakikibaka.
“After all, may freedom naman tayo ng choice natin kung ano ang gusto nating paniwalaan sa sarili natin,” sabi pa ni Lacson.
Ayon pa kay Lacson, ibang usapan na kapag hinaluan na ng armed component at armed struggle dahil iyon aniya ang tinitingnan niyang problema.
“In fact, the fact that you are being endorsed by a terrorist group, a designated terrorist group, designated by the United Nations Security Council and then validated by our own Anti-Terrorism Council so ‘yun ang tinitignan nating problema,” dagdag pa niya. RNT
July 2, 2022 @5:00 PM
Views:
45
MANILA, Philippines- Magsasagawa ng dayalogo ang mga grupo ng manggagawa at si Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga darating na araw upang pag-usapan ang kanilang mga alalahanin.
Noong Biyernes, natanggap niya ang watawat ng DOLE at ang Labor and Employment Plan 2022-2028 mula sa kanyang hinalinhan, si Silvestre Bello III, sa Labor Governance and Learning Center ng Blas F. Ople Hall ng departamento sa Intramuros, Manila.
Nakipagpulong din si Laguesma sa iba pang opisyal sa kanyang unang araw sa opisina at nakipag-ugnayan sa mga empleyadong kanyang tinalakay ang mga isyu gaya ng pagtaas ng sahod at seguridad sa trabaho.
Si Bello ay pamumunuan ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong pinuno ng DOLE na ituloy ang higit pang mga programa para sa sektor ng paggawa at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga ginawa sa ilalim ng termino ni Bello.
Sinabi ni Bello na nasa mabuting kamay ang DOLE sa ilalim ni Laguesma, na naging kalihim din ng DOLE noong 1998 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyong Estrada at nagsimula ng kanyang karera sa serbisyo publiko bilang mediator-arbiter sa dating Department of Labor noong 1976.
“Your fresh mandate to steer the DOLE once more signifies the continuity of the noble initiatives that we have undertaken for the Filipino workers and the people,” ayon kay Bello. Jocelyn Tabangcura-Domenden
July 2, 2022 @4:45 PM
Views:
53
MANILA, Philippines- Tinitingnan ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) na isama ang bagong COVID-19 vaccines sa routine immunization sa ibang sakit.
Sinabi ng Department of Health (DOH), ilan lamang Ito sa mga estratehiya ng NVOC sa ilalim ng liderato ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire para palakasin ang vaccine uptake sa bansa.
Sa panahon ng transition period, ang NVOC at vaccination sites ay nagpapatuloy ng kanilang kasalukuyang operasyon sa pagbibigay ng bakuna at boosters sa eligible population.
“[The] NVOC is also reviewing existing policies to identify possible points for revision, one of which is the integration of COVID-19 vaccines to routine immunization,” ayon sa Health Department.
Samantala, sinabi ng DOH na nagsasagawa ito ng granular at localized analyses sa mga lugar na may mababang vaccine uptakes.
“Further, DOH and NVOC are currently focusing efforts to ramp-up the rollout of vaccines for our current priority groups through granular and localized analysis of areas with low vaccine coverage of 1st boosters and high numbers of unvaccinated. This is to ensure that strategies implemented to increase coverage are tailor fitted to best suit a given area or region,” ayon sa ahensiya.
Kamakailan ay inanunsyo ng National Task Force against COVID-19 (NTF) na nakamit na ng bansa ang target nitong gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa COVID-19. Kris Jose
July 2, 2022 @4:30 PM
Views:
54
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na linisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga benepisaryo ng “targeted social assistance programs” ng departamento.
Gusto ng Pangulo na alisin na ng DSWD ang mga benepisaryong hindi na kuwalipikadong makatanggap ng cash grants mula sa pamahalaan.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ilang benepisaryo ang gumradweyt (graduate) na mula sa conditional cash transfer program (CCT) – o mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps partikular na iyong ang mga anak ay nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral subalit nananatiling tumatanggi na isuko ang kanilang accounts at patuloy na nakatatanggap ng cash grants.
“‘Yan ang utos sa akin ng Pangulong Marcos na linisin ang listahan ng DSWD ng mga tumatanggap ng benepisyo,” ayon kay Tulfo.
Binigyang diin ni Tulfo na ilang daang libong Filipino sa buong bansa ang naghihintay na mapasama sa 4Ps na makikinabang mula sa plano na linisin ang cash transfer program list.
Kilala ng DSWD ang mga benepisaryo ng 4Ps at iba pang social assistance programs sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan nito.
Upang maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo na“within the next few weeks” ay magpapalabas siya ng “amnesty” na nananawagan sa mga unqualified 4Ps beneficiaries na isuko na ang kanilang accounts sa DSWD sa loob ng 30 hanggang 60 araw o sasampahan ng kaso.
“Kasi parang estafa, ‘yan kasi niloloko mo ang gobyerno,” ayon kay Tulfo.,
Maliban dito, sinabi pa ni Tulfo na plano rin niyang ipatupad ang reward system kung saan ang informer ay makatatanggap ng pabuya kung maituturo nito kung sino sa kailang komunidad ang ang dapat na alisin na mula sa 4Ps list. Kris Jose
July 2, 2022 @4:15 PM
Views:
49
MANILA, Philippines- Nakakalap si former vice president Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-governmental organization “Angat Buhay,” ng mahigit P1 milyon sa unang araw nito, kahapon.
Inanunsyo ito ni Robredo sa isangFacebook post nitong Biyernes ng gabi, kasunod ng paglunsad sa NGO sa Volunteer Center sa Katipunan Ave. sa Quezon City.
Nagpasalamat din siya sa mga nag-donate, kung saan umabot sa P1,068,470 ang nakalap na pondo para sa Angat Buhay Foundation.
Kabilang asa apat na advocacy areas ng Angat Buhay ang food security and health, education, disaster relief and rehabilitation, at community engagement.
“Unang araw pa lang, higit isang milyon na agad ang nalikom natin para sa mga artworks at donations. Maraming, maraming salamat po,” pahayag ni Robredo, chairperson ng Angat Buhay NGO.
Aniya pa, masaya siya na makita ang volunteers at private partners dahil para umano itong isang “reunion.”
“Hindi dapat masayang ‘yung magandang nasimulan natin. Hindi man tayo nagwagi, nagtagumpay pa rin tayo. I am sure lahat kayo will agree with us we really started something very, very special during the campaign, at hindi pwede mapupunta sa wala ‘yung ating nasimulan,” dagdag ng datimg bise presidente. RNT/SA
July 2, 2022 @4:06 PM
Views:
43
MANILA, Philippines- Inaasahan na papalo sa P318 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 ang bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado ng gabi, Hulyo 2, 2022.
Matatandaan na hindi nahulaan noong Miyerkules ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may winning 07-09-51-02-24-39 at premyong P298,452,472.00. Subalit 10 indibidwal naman ang nakapag-uwi ng tig-P!00,000.00 makaraang makakuha ng tig limang kombinasyon.
Dahil dito ay nag-carry over naman ang naturang premyo at inaasahang aabot sa P318 milyon ang premyo na bobolahin mamayang gabi.
Samantala, ang jackpot estimates naman ng PCSO sa Lotto 6/42 na bobolahin rin mamayang gabi ay nasa P22 milyon na. Toto Nabaja