Kasunduan sa pagpalakas ng family planning nilagdaan ng DOH

Kasunduan sa pagpalakas ng family planning nilagdaan ng DOH

December 9, 2022 @ 1:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumagda ng kasunduan sa pangunguna ni Department of Health (DOH) – Ilocos Region and Population Commission (PopCom) – Region 1 Regional Directors Paula Paz M. Sydiongco at Erma R. Yapit upang palakasin ang family planning (FP) services sa Ilocos Region sa isinagawang Family Planning Awarding Ceremony na ginanap sa San Juan, La Union.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), layon ng nasabing mga ahensya na pagbutihin ang polisiya at program environment sa lokal na lebel upang matiyak ang unibersal na access sa responsableng pagiging magulang at mga family planning information services lalo na sa mga marginalized sectors.

Sa pagpapatupad ng family planning program sa rehiyon, ang regional offices ay patuloy sa kanilang capacity building programs para sa health care workers mula sa ibat-ibang munisipalidad sa pamamagitan ng family planning competency-based training para sa FP counselors sa rehiyon.

Tiniyak ni Regional Director Erma R. Yapit na ibibigay ng PopCom ang kanilang full support at available resources kabilang ang technical assistance sa DOH regional office sa paghahatid ng tungkulin at responsibilidad nito na umakma sa mga serbisyo ng RPFP ng departamento ng kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden