Kasunod ng Cavite City blast, curfew sa minor ipinatupad

Kasunod ng Cavite City blast, curfew sa minor ipinatupad

January 27, 2023 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng Cavite City ang paglabas ng mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ito ay kasunod ng nangyaring grenade explosion sa riot ng mga kabataan na kumitil sa buhay ng tatlo katao at nakasakit ng apat iba pa.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, ang insidente ay nangyari nitong Miyerkules, Enero 25 sangkot ang dalawang grupo ng mga kabataan na naghabulan at nagbatuhan pa.

Dagdag pa, isa sa miyembro ng grupo ang sangkot sa paghagis ng granada dahilan para masawi ang tatlong indibidwal.

Sa Facebook post ni Cavite City Mayor Denver Chua, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya ng apektado sa naturang insidente. RNT/JGC