Katahimikan ni Kris sa death anniv ni Ninoy, nakababahala!

Katahimikan ni Kris sa death anniv ni Ninoy, nakababahala!

August 22, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ni katiting na paramdam sa kanyang mga social media account ay walang post si Kris Aquino nitong August 21, 39th death anniversary ng kanyang amang si Ninoy.

Inaasahan pa mandin ng kanyang mga followers na tutuparin niya ang pangakong magbibigay ng updates tungkol sa kanyang health condition.

Buwan pa ng June nang huling mag-post si Kris with the promise of sharing the status of her health.

The last time na alam ng publiko tungkol sa kanya ay nasa ospital Houston, Texas siya nagpapagamot.

Pero may mga nagsasabing baka raw umalis doon si Kris para humanap ng ibang pagamutan.

Baka raw subukan nitong magpagamot uli sa Singapore.

Ano’t anuman, marami ang nababahala sa kakatwang pananahimik ni Kris gayong dapat sana’y ginunita nito ang anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy.

Very un-Kris Aquino raw ang kanyang silence.

Naturingan pa mandin daw na deklaradong holiday ang Ninoy Aquino Day.

Nagdarasal na lang ang mga tagasuporta ni Kris na papunta na sa maayos ang kanyang kalagayan. Ronnie Carrasco III