Katapangan ng mga nagpalaya sa Marawi City, inaalala; 2 senador nangako ng suporta

Katapangan ng mga nagpalaya sa Marawi City, inaalala; 2 senador nangako ng suporta

October 18, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inalala nina Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa at Francis “Tol” Tolentino ang ipinamalas na katapangan ng lahat ng sangkot sa pagpapalaya ng Marawi City, limang taon ang nakaraan saka nangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng suporta.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation and Victims’ Compensation, na kanilang bibigyang pinakamataas na pagpapahalaga ang panngangailangan ng Marawi residents sa pagbabangon ng kanilang buhay.

“Let us not forget the resiliency of our Maranao brothers and sisters who continue to patiently wait for the full rehabilitation of their beloved city,” aniya.

“Our task will not end with the full rehabilitation of the city, we will continue to march on towards a developed, progressive and peaceful Marawi City.”

Tolentino recognized anew the 169 government troops who perished and the 1,800 others who were hurt during the battle to reclaim Marawi City from the Islamic State of Iraq and Syria-inspired Maute group.

“Limang taon na ang nakalipas noong tayo mismo ang pumunta sa ground zero sa paglunsad ng rehabilitasyon. Hinding hindi ko malilimutan ang nasaksihan kong mapait na kalagayan ng ating mga kapatid sa Marawi,” ayon kay Dela Rosa.

Tiniyak ni Tolentino na hindi lamang niya susuportahan ang rehabitasyon ng Marawi kung ipaglalaban ang anumang karahasan at terorismo.

Inihayag kamakailan ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ang pambansang pamahalaan ng P1 bilyon upang bigyang kumpensasyon ng displaced persons at biktima na nawalan ng ari-arian sa pagkubkob ng Marawi City.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, isang Maranao, na isinama ang Marawi Siege Victims Compensation Fund sa panukalang PHP5.268-trillion 2023 national budget, nan aka-lumped sa ilalim ng PHP31-billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund o calamity fund.

“The Marcos administration thinks that, apart from the rehabilitation of infrastructure, priority should also be given to the people of Marawi. This is the first time that the budget was allotted solely for victim compensation,” aayon kay Pangandaman.

Inihayag ng Task Force Bangon Marawi kabilang ang implementing agencies at development partners na nakatakdang simulant ang pagbibigay ng livelihood and skills training workshops, peace conversations, relief distributions, psychosocial support activities, at forums sa October 21. Ernie Reyes