Katarina Rodriguez, kinoronahan bilang Miss World Philippines 2018

Katarina Rodriguez, kinoronahan bilang Miss World Philippines 2018

October 8, 2018 @ 7:19 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nasungkit ng modelong si Katarina Rodriguez ang korona bilang Miss World Philippines 2018 sa coronation night nitong Linggo, sa SM Mall of Asia Arena.

Si Rodriguez, 26-anyos, ang magiging pambato ng Pilipinas sa gaganaping Miss World 2018 pageant sa China.

Kabilang sa mga nanalo ng korona ay sina Alyssa Muhlach Alvarez (Miss Reina Hispanoamericana Filipinas), Maureen Montagne (Miss Eco International Philippines), Kimi Mugford (Miss Multinational Philippines), Chanel Morales (1st Princess) at Pearl Hung (2nd Princess).

Maliban sa korona, si Rodriguez din ang itinanghal na  Beach Beauty Challenge winner, Best in Long Gown, Miss Resorts World Manila, at Miss Blue Water Day Spa (kasama si Maureen Montagne).

Unang nakilala si Rodriguez nang mapasama siya sa Top 3 ng sikat na modeling competition na  “Asia’s Next Top Model” noong 2014.

Noong 2017, lumahok si Rodriguez sa Binibining Pilipinas kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong irepresenta ang bansa sa Miss Intercontinental pageant.

Isang puwesto lamang ang kaniyang layo upang masungkit ang titulo kung saan lumapag siya sa first runner-up ng naturang pageant, ginanap sa Egypt nito lamang January./Remate News Team