Kate Valdez, aminadong mas maganda sa kanya si Liza Soberano!

Kate Valdez, aminadong mas maganda sa kanya si Liza Soberano!

August 9, 2018 @ 1:17 PM 4 years ago


 

Itinuloy ng GMA-7 ang chemistry na nakita nila kina Kate Valdez at Mikee Quintos sa Encantadia rito sa Onanay.

Pero nilinaw ni Kate na hindi raw siya ‘kontrabida’ sa Onanay.

“Kontrabida? Hindi naman po actually…. Actually, ine-expect ko nga po yung mahirap na role yung sa akin, tapos biglang binigay sa akin yung mayaman. Oops, paano, okay lang naman sa akin,” she said in earnest.

Basing from the soap’s trailer, si Kate ang tila masungit at mataray sa kanilang dalawa ni Mikee na gumaganap pareho bilang mga anak ni Jo Berry in the title role.

The feisty role she’s being given in Onanay is okay with her but she’d also like to portray the kind of character that Mikee is deli- neating which is quite symphatetic. Come to think of it, both Kate and Mikee are lucky since both are given big projects by GMA.

Isa sa magandang oportunidad na dumating sa kanya sa prime-time series ay ang maka-trabaho ang mga batikang artista tulad ng Superstar na si Nora Aunor at si Cherie Gil.

“Sobrang blessed po,” she said. “Noong bata pa lang po ako na pinapanood ko sila, ngayon, ka-eksena ko na sila.

“It’s a dream come true at hanggang ngayon, para siyang panaginip. Hindi ko ine-expect. Nasa loob ba ko ng panaginip ko, hindi ako nagigising, nandito na lang ako,” she said half-amused.

Of the two, most of her scenes are with Cherie. Isn’t she intimidated?

“Actually, nai-intimidate din but tinutulungan niya ko na hindi ko maramdaman ang weight na yun. Sometimes. Kapag may eksena kami, (sinasabi niya) ‘iha, you relax.’ Sabi ko, opo but deep inside…” she opined feeling most of the weight of their scenes together. What about off-cam, do they get along well?

“Siyempre po kapag sa eksena, you have to be in character pero kapag off-cam, chikahan na.”

Nahahawa na rin ba siya sa pag-e-English ni Cherie?

“Opo, minsan. Pero si Ms. Cherie naman, tutulungan niya ko sa English, tutulungan ko naman siya sa Tagalog.”

Shifting to other topics, she is fast being compared with Angel Locsin and Liza Soberano.

Nakatitikim raw siya ng pangba-bash dati but she has come to ignore it.

Does she get affected with the comparison?

“Kapag lang po napupunta na sa personal. Kapag masyado nang bad. Kasi, parang wait, teka lang, tao rin ako, may nararamdaman din. Pero, siyempre po, it’s their opinion and I respect it.” DAPAT LANG! ni PETE G. AMPOLOQUIO, JR.