KathNiel, nag-flex ng muscle ala-Hidilyn! 

KathNiel, nag-flex ng muscle ala-Hidilyn! 

January 1, 2022 @ 11:00 AM 7 months ago


Manila, Philippines – ‘Di maitago ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang sobrang kagalakan nang ma-meet nila nang personal ang olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz nitong December 29.

May kuha silang litrato kung saan nagpe-flex ng kanilang mga muscles sina Kathryn at DJ (palayaw ni Daniel).

Ipinost ito ni Kathryn sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Literally flexing because we got to take a photo with our champ. So happy to finally meet her in person.”

Tinukso naman nina MJ Lastimosa at Bernadette Sembrano ang  young actor.

Ani MJ, “DJ, okey lang ‘yan. Kumakapa, eh.” Naaliw naman si Bernadette dahil matagumpay raw na nai-emote ni Daniel ang muscle flexing na dinaan sa facial expression.

Matatandaag naiuwi ni Hidilyn ang gintong medalya sa Tokto Olympics nitong July besting China’s world record holder Liao Qiuyun. Ronnie Carrasco III