Kathniel, nakatakda nang mabuwag?

Kathniel, nakatakda nang mabuwag?

July 17, 2021 @ 9:08 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malakas ang radar ng mga netizen sa kung sino pang Kapamilya star ang lilipat sa GMA.

Ang ginawang batayan ng mga ito ay ang “blind item” mismo ni Mr. Johnny Manahan (na ngayon ay consultant na ng GMA Artist Center) na may lima pa mula sa “kailang organization” will follow suit.

At gaya ng kutob ng maraming netizen, isa raw sa limang ‘yon ay si Kathryn Bernardo.

FYI, Kathryn is no stranger to GMA kung saan siya nagsimula bago lumipat sa ABS-CBN.  Siya ang gumanap bilang batang Marian Rivera sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Endless Love.

Pero hindi ito ang catch dahil kung totoo man daw na lilipat si Kathryn, hindi raw ‘yon “package deal.” Huwag daw umasang bibitbitin ng akres ang nobyo niyang si Daniel Padilla.

Malaking factor din daw ang highest grossing film nina Alden Richards at Kathryn.

So if ever, will this be another loveteam torn apart? Sa paglipat kasi ni Xian Lim sa GMA, natural na buwag na ang KimXi na tambalan nila ni Kim Chiu.

Susunod bang mabubuwag ang KathNiel? Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •