Kathryn, inaawitan sa Hollywood film, pantapat kay Liza?

Kathryn, inaawitan sa Hollywood film, pantapat kay Liza?

September 14, 2022 @ 12:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ayon sa US-based Palanca awardee na si Marivi Soliven, maganda kung bahagi ng cast ang Pinoy actors sa isasapelikula niyang novel titled The Mango Bride.

Nasa proseso ngayon ang team sa paghahanap ng gaganap sa mga papel bilang Amparo, Beverly at Senora Concha.

Marami ang nagsasabing swak kay Kathryn Bernardo ang role as Beverly.

Interestingly, ang co-producer nito’y si Sharon Cuneta.

Sa ilalim ito ng direksyon ng Filipino-Canadian na si Martin Edralin.

If Kathryn is being eyed for the project, lalong welcome news ito for Sharon who’s also in the cast as Marcela.

Matatandaang minsan nang gumawa ng movie together sina Sharon and Kathryn.

In fact, parang anak ang turing ng Megastar sa young actress.

Dahil isang Hollywood film ang The Mango Bride, expect na posibleng pagmulan ito ng intriga between Kathryn and her contemporary na si Liza Soberano.

Hindi lang pala sa local scene sila magkakumpitensiya kundi maging internationally din.

That is, kung kukunin nga si Kathryn for the movie.

At kung bet niya ang role, to top it all.

Siyempre, nariyan din ang permiso ng kanyang home studio. Ronnie Carrasco III