Katips, humakot ng nominasyon sa 38th Star Awards for Movies!

Katips, humakot ng nominasyon sa 38th Star Awards for Movies!

November 28, 2022 @ 9:50 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa pamumuno ng Philippine Movie Press Club (PMPC) president na si Fernan de Guzman, kasama ang 2022 officers at board of directors, inihayag na ng grupo ng mga manunulat ang mga nominado para sa kanilang 38th PMPC Star Awards For Movies.

Ang pelikulang “Katips” mula sa PhilStagers Film ay nominado bilang Indie Movie of the Year. Maganda ang pagkakagawa ng pelikula at talaga namang na-educate ang lahat ng nakapanood tungkol sa nangyari noong panahon ng Martial Law, kaya na-nominate ito sa nasabing kategorya.

Ang pangunahing bida sa “Katips” na si Vince Tanada, na siya ring sumulat at nagdirek nito, ay nominado biang Movie Actor of the Year.

In fairness, mahusay si Vince sa pelikula, lalo na roon sa breakdown scene na naging dahilan para mapansin siya ng bumubuo ng PMPC.

Nominado rin si Vince bilang Indie Movie Screenwriter of the Year dahil sa ganda ng pagkakasulat niya ng “Katips”.

O, ‘di ba, dalawang nominasyon ang nakuha ni Vince sa 38th PMPC Star Awards For Movies?

Ang isa pa sa cast ng “Katips” na si Johnrey Rivas ay nominado naman bilang Movie Supporting Actor of the Year. Gaya ni Vince, ay mahusay din sa pelikula si Johnrey, lalo na sa torture scene niya, kaya naman pasok siya bilang nominado sa nasabing category.

Ang singer-actress na si Nicole Laurel Asensio ay nominado naman bilang New Movie Actress of the Year. In fairness, baguhan man sa pag-arte ay nagpakita ng husay si Nicole sa “Katips” kaya napansin din siya ng bumubuo ng PMPC.

Dahil mahuhusay ang buong cast ng “Katips” ay nominado rin ito bilang Indie Movie Ensemble Acting of the Year.

Ang ilan pa sa nominasyon na nakuha ng “Katips” ay ang Movie Cinematographer of the Year (Manuel Abanto), Indie Movie Editor of the Year (Mark Jason Sugcang), Indie Movie Production Designer of the Year (Roland Rubenecia), Indie Movie Sound of The Year (Dondon Mendoza, Indie Movie Themesong of the Year: “Sa Gitna Ng Gulo” performed by Jerome Ponce, Nicole Laurel Asensio, Vince, Adelle Ibarrientos, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Johnrey, and Carla Lim; lyrics by Vince, composed by Pipo Cifra).

O, ‘di ba, bongga ang Katips dahil humakot ito ng nominasyon sa 38th PMPC Star Awards For Movies? Rommel Placente