Katiting na oras, hiningi ng MMDA sa mga ‘single’

Katiting na oras, hiningi ng MMDA sa mga ‘single’

August 11, 2018 @ 12:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – “3 hours sa umaga at 3 hours po sa hapon.”

Ito ang katiting na oras na panawanagan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa mga ‘single passenger’ vehicle na kanilang iba-ban sa muling pagsasagawa ng dry run sa August 15.

“Hindi po ito permanente. ‘Yung magko-cross, pwede pong tumawid. Pag may ihahatid, ihatid nyo po. Pag kayong mag-isa na, lumabas ng EDSA para po kayo ay makauwi,” paliwanag ni Garcia sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa ni Garcia,  ipatutupad lang ang ban sa mga rush hour mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyong inani ng panukalang ito, ay umaasa si Garcia na susundin ito ng mga private motorist.

“Kailangang testingin po talaga natin. Kaya lang, pag dry-run hindi po hinuhuli kaya nakikiusap kami para maramdaman natin kung magiging epektibo, baka pwedeng lahat tayo mag-participate para makita natin kung ito ba ay makakatulong sa atin,” aniya,

“Kailangan ng participation ng lahat ng sektor, hindi po pwede ng isa lang,” giit ni MMDA GM. (Remate News Team)