KATOTOHANAN, KARUWAGAN AT SI BADOY

KATOTOHANAN, KARUWAGAN AT SI BADOY

October 12, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


KUNG ang pag-uusapan ay KARUWAGAN, akin nang tutukuyin ang lahat ng mga nagsasama-sama para durugin at siraan si Lorraine Marie T. Badoy.

Ganoon naman siguro talaga. Parang sermon ng pari sa amin na “ang nagsisiwalat ng KATOTOHANAN ay kadalasang hinahadlangan ng mga DUWAG.”

At ngayong tila isang ordinaryong mamamayan na lamang si Badoy ay itinuturing na itong mahina at kaya nang durugin dahil sa kanyang paninindigan laban sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Nagsasabi lamang naman ng katotohanan si Badoy. Iyon na lamang ang kanyang pinanghahawakan, matapos tulungan ang pamahalaan na tapusin ang paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF at tulungan ang mahihirap nating mga kababayan sa mga kanayunan na binaboy at niloko ng mga komunistang-terorista.

At ngayong wala na hallos kakampi ang grupo ni Badoy na National Tasked Force to End Local Communists Armed Conflict sa bagong liderato, sinasamantala na ng mga DUWAG na mga CPP-NPA-NDF kasama ang kanilang mga kaalyado sa Kongreso, academe at judiciary ang sitwasyon upang lumakas uli ang pagtatangkang agawin ang pamahalaan.

At maging si Badoy ay parang pinabayaan na rin ng pamahalaang kanyang pinaglingkuran nang buong tapang at katapatan.

Pero di siya nagrereklamo, kahit na siya ay pinagtutulung-tulungan ng mga duwag.
Tanging tangan ni Badoy ay katotohanan sa mga laban lalo na sa mga nagbabalak na palitan ang uri ng ating pamahalaan.

Ngunit di nag-iisa si Badoy. Ako at marami pang iba ay nandiyan lamang upang samahan si Badoy at ang pamahalaan na tuluyang sugpuin at kung maaari ay wakasan na ang CPP-NPA-NDF.

Sayang nga lamang, dahil parang kakaunti lang ang nakaintindi, bakit itinatag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang NTF-ELCAC.

Isang babae lamang din pala ang katapat ng mga duwag. Pero marami kami, yan ang tinitiyak ko sa inyo.
Laban lang, mga tunay at totoong mapagmahal sa bayan.
oOo oOo oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!