Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!

Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!

May 6, 2022 @ 5:29 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Marami ang nagulat sa paninindigan ng Vivamax sexy star na si Katrina Dovey nang tinanong kung papayag ba siya na nagmu-moonlight as sex worker ang kanyang boyfriend.

Marami kasing mga balita ang naglalabasan na ang isang karelasyon ay may tinatago palang lihim sa pagiging secret sec worker. Bukod du’n ay ganito rin kasi ang theme ng pelikula niyang Doblado.

“Yes, kung sakaling nagsa-sideline ang boyfriend ko bilang isang sec worker, e, suportado ko siya. Hindi bababa ang pagtingin ko sa kanya at mad lalong hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

“Wala namang problema ‘yun sa akin kahit na kung kani-kanino siya nakikipag-sex bilang trabaho niya as sex worker. Ang mahalaga, e, sa akin pa rin siya umuuwi at the end of the day,” pag-justify pa ni Katrina.

Marami ang nagulat dahil kakaiba ito sa paninindigan ng iba na patitigilin nila sa pagiging sex worker ang kanilang karelasyon, kung sakali.

As of the moment ay wala pa namang boyfriend si Katrina.

Tinanong din si Katrina kung paano kung siya naman ang patigilin ng kanyang boyfriend sa pagpapa-sexy sa para hindi masira ang kanilang relationship at pagmamahalan?

“Walang masama sa paghhuuubad, we were born naked. Kung ayaw ng boyfriend ko sa trabaho ko, e, maghiwalay na lang kami,” matapang na sagot ni Kat.

Kasama rin ni Kat sa pelikulang Doblado si Denise Esteban, Josef Elizalde, Stephanie Raz, Mark Anthony Fernandez at Gwen Garci, directed by GB San Pedro for Vivamax. JP Ignacio