Kauna-unahang 2 kaso ng BA.5 variant natukoy sa Central Luzon

Kauna-unahang 2 kaso ng BA.5 variant natukoy sa Central Luzon

June 3, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na may kauna-unahang dalawang kaso ng Omicron BA.5  variant na nadiskubre sa dalawang indibidwal mula sa Central Luzon.

Walang travel history ang  mga pasyente maliban sa kanilang polling precinct sa Metro Manila, ayon kay Health Usec.Maria Rosario Vergeire.

Nakaranas ng ubo at sipon ang dalawa na agad nang mag-isolate at ngayon ay asymptomatic na at itinuring nang recovered.

Mayroon dalawang close contacts  na miyembro ng  pamilya  at patuloy na naka-isolate matapos nagpositibo  ang isa sa kanila sa virus.

Maalala na nakapagtala noong nakaraang buwan ang DOH Ng kauna-unahang kaso ng Omicron BA.4 subvariant ng isang returning Filipino  at ngayon ay may naitala nang 22 kaso ng Omicron BA.2.12.1

Ayon sa World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus  noong Mayo, ang subvariant BA.4 at BA.5 ay ang nasa likod ng pagsirit  ng kaso sa South Africa. Jocelyn Tabangcura-Domenden