Kauna-unahang AI-Powered news anchor ng South Korea mukhang totoo!

Kauna-unahang AI-Powered news anchor ng South Korea mukhang totoo!

November 21, 2020 @ 11:50 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Inilunsad ng South Korean television channel MBN ang kauna-unahang AI-powered news anchor na bersyon ni anchor Kim Ju-ha.

Ginawa ito ng Money Brain, isang artificial intelligence production company.

Hindi lang sa pisikal na anyo, kaboses din ito ni Kim.

Kaya rin nitong gayahin ang mga paggalaw ni Kim.

Nitong Nobyembre 6, nagkaroon ng pag-uusap si Kim at ang AI Kim na kinagulantang ng manunuod dahil magkaboses ang dalawa.

“I was created through deep learning 10 hours of video of Kim Ju-ha, learning the details of her voice, the way she talks, facial expressions, the way her lips move and the way she moves her body,” ayon kay AI Kim base sa Korea JongAng Daily.

“I am able to report news exactly the way that anchor Kim Ju-ha would.”

Anila, mainam umano ang AI news caster sa mga sakuna at emergencies dahil available ito 24/7.

Mababawasan din ang labor at production cost dahil sa bagong teknolohiya.

“It cannot cross a very fine line where it’s not too different from us, but not too similar either.”

“And even if it becomes too natural for us to tell whether it’s real or not, the human mind will immediately reject it once it finds out that it’s not real,” pahayag ni Yoo Seung-chul, professor ng School of Communication & Media at Ewha Womans University.

Sari-sari naman ang reaksyon ng mga manunuod kay AI Kim. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...