Kauna-unahang COVID-19 oral treatment ibinahagi sa Maynila

Kauna-unahang COVID-19 oral treatment ibinahagi sa Maynila

November 25, 2021 @ 8:42 PM 9 months ago


Manila, Philippines-Itinurn-over ng Faberco Life Sciences, Inc. noong Nobyembre 23 2021, ang first batch ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa City of Manila sa seremonyang ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Personal na tinanggap ng mga opisyal ng Lungsod ng Maynila ang mga gamot na Molnupiravir (Molnarz™), sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc.

Ang Santa Ana Hospital, sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration, ang recipient/receiving hospital para sa nasabing ‘batch of allotment’ para sa Manila LGU.

Ang Molnupiravir ang unang oral antiviral drug na maaaring makapigil sa mild to moderate cases ng COVID-19 bago pa humantong sa pagiging severe disease na kailangan nang ma-ospital. Ito ay pill na iinumin imbes na ituturok.

Bagama’t hindi pa ‘available commercially’ o wala pa sa merkado, ang Faberco Life Sciences, Inc. kasama ng RiteMED, ay ipinamamahagi ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa hospitals, medical institutions, at treatment sites sa ilalim ng compassionate use “which allow institutions to procure and distribute products under study, or those awaiting approval for immediate use in emergency situations”.

Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS), ay Philippine biopharmaceutical organization, na nakatuon sa paglalaan ng “innovative, highly niche pharmaceutical products” sa publiko at private health sectors.

Ang Faberco ay naki-partner sa reputable international manufacturers na puntirya ang product platforms at therapeutic categories bilang lunas at pangontra sa mga sakit na itinuturing na public health concern.