Kauna-unahang mountain road tunnel, pinamamadali na ng DPWH

Kauna-unahang mountain road tunnel, pinamamadali na ng DPWH

October 29, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinabibilis na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kasalukuyang konstruksyon ng kauna-unahang 2.3-kilometer mountain road tunnel sa gitnang bahagi ng Davao City Bypass Construction Project na naglalayong mapabuti ang mobility sa pagitan ng Davao City at Panabo City.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Senior Undersecretary Emil K. Sadain, ang Davao City Bypass Construction Project ay kabilang sa priority large-scale infrastructure project na sinimulan noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagpatuloy gaya ng plano sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I am thrilled to see this project come to fruition, and really amazed to the tunnelling technologies and innovations using state-of-the-art equipment now applied here in the Philippines,” sabi ni Bonoan.

“People can see that this infrastructure project is making progress and the government is building something that is very exciting,” dagdag naman ni Senior Undersecretary Sadain.

Ang proyekto ay inaasahan din na bubuuin ng mga Filipino engineer at skilled worker na may bagong kaalaman sa tunneling.

Magsisimula ang Davao City Bypass Construction Project sa Davao-Digos section ng Pan-Philippine Highway sa Brgy Sirawan, Davao City patungong Davao-Panabo section ng Pan-Philippine Highway sa Brgy J.P. Laurel, Panabo City na inaasahang magpapagaan sa daloy trapiko sa lugar.

Kapag natapos na ang proyekto sa 2027, mababawasan na ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Toril, Davao City at sa hilagang Panabo City, Davao Del Norte ng 49 minuto mula sa karaniwang oras ng paglalakbay na 1 oras at 44 minuto sa pamamagitan ng Maharlika Highway. Jocelyn Tabangcura-Domenden