Kauna-unahang NCMF leaders’ summit ikinasa

Kauna-unahang NCMF leaders’ summit ikinasa

January 31, 2023 @ 5:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinagawa ang kauna-unahang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) National Development Leaders’ Summit sa Conrad Hotel, Pasay City.

Layunin ng Summit na bumuo ng mga programa upang matulungan ang mga Muslim sa Luzon, Visayas at Mindanao na makapagtatag ng Muslim Community, kung saan ang bawat pamilyang Muslim ay binibigyang kapangyarihan, na may produktibo at sustainable livelihood/kabuhayan, isang pamilyang malayo sa panganib, at malayang isagawa ang pananampalataya nito nang walang pag-aalinlangan.

Nangangahulugan ito ng isang produktibo, mapayapa at may takot sa Diyos na Muslim Community.

Ang pinagkasunduan ng National Development Leaders ay magiging isang mahalagang input sa pagbuo ng isang komprehensibong programa upang matugunan ang mga isyu at alalahanin na nakakaapekto sa Muslim Community.

“Para mawala ang kaguluhan, pagrerebelde sa gobyerno ibigay sa tao ang nararapat. Pumapasok dyan ang gobyerno to maintain peace and order . Pagtingnan ugat ng problema , kahirapan; dapat ang gobyerno nakatutok sa kahirapan. Ang gobyernong ito ay para sa mahihirap,” sabi ni NCMF Secretary Gene Mamondiong.

Umaasa ang NCMF na ang mga kalahok sa summit ay magkakaroon ng bukas at mapanuring isipan sa talakayan na makakatulong sa National Commission on Muslim Filipinos na makamit ang layunin nito. Dave Baluyot