Kauna-unahang pagawaan ng face mask sa North Luzon pinasinayaan

Kauna-unahang pagawaan ng face mask sa North Luzon pinasinayaan

December 6, 2021 @ 7:45 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Ipinakilala na ng Department of Science and Technology ang kauna-unahang face mask production facility sa Hilagang Luzon.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato ‘Boy’ T. De La Pena, ang Safetech by Modulhaus Incorporated na nakatambal ng DOST Region 1 ay nagsimula na noong Nobyembre 25 pa.

Pagmamay-ari ang naturang production facility ni Richard Chan na benepisyaryo ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) noon pang 2016.

Dagdag ni Dela Pena, ang family-owned company ni Chan ay gumagawa na talaga ng iba pang mga kagamitan sa kusina, kasuotan, kagamitan sa banyo at iba pang office supplies.

Nilahukan naman ng iba’t ibang Regional Directors ng mga regional government line agencies ang pagpapasinaya sa naturang pagawaan.

Inaasahang makagagawa ito ng nasa 739,200 na mga surgical face masks buwan-buwan. RNT