Kauna-unahang ‘science terminal building’ sa Pinas, itinatayo na

Kauna-unahang ‘science terminal building’ sa Pinas, itinatayo na

July 5, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng kauna-unahang “integrated terminal and science center building” sa Pilipinas.

Sinabi ng DPWH na target mabuo ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center, na matatagpuan sa compound ng Department of Science and Technology o DOST sa Bicutan, Taguig, sa kalagitnaan ng 2023.

Sa orihinal na plano, sinabi ng DPWH na ang proyektong pagtatayo ng integrated terminal ay para matugunan ang “traffic congestion” o pagsisikip ng trapiko at mga suliranin ng mga pasahero sa lugar.

Pero makalipas ang limang taon ng conceptualization at serye ng mga pulong, idinagdag sa plano ang pagkakaron ng exhibit center.

Magkakaroon ng limang palapag ang gusali, may sukat na 13,680 square meters, at may alokasyong aabot sa P326 milyon.

Ang unang tatlong palapag ay magsisilbing public transportation hub, habang ang dalawa pang palapag o 4th at 5th floors ay mga opisina at ang Science and Technology Exhibit Center.

Higit sa lahat, layon ng science terminal na ang maka-interes ang mga pasahero lalo na ang mga estudyante na sumabak sa edukasyon at career sa larangan ng siyensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden