Kauna-unahang Shari’ah Summit idaraos sa CDO

Kauna-unahang Shari’ah Summit idaraos sa CDO

February 26, 2023 @ 3:36 PM 4 weeks ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Idaraos sa unang linggo ng Marso ang kauna unahang National Shari’ah Summit na isasagawa sa Cagayan de Oro City.

Pangungunahan ng Supreme Court ang makasaysayang summit na lalahukan ng 300 personalidad kabilang mga mga mahistrado, judges, prosecutors, at mga abugado.

Dadalo rin sa “1st National Shari’ah Summit: Forging the Role of Shari’ah in the National Legal Framework” ang Shari’ah judges, mga miyembro ng academe, at foreign delegates mula sa mga bansang nagpapatupad ng Shari’ah laws.

Layon ng pulong na magsilbing lugar para sa palitan ng mga ideya at kasanayan kaugnay sa Shari’ah justice system.

Layunin din nito na magsilbing plataporma para tugunan ang mga isyu na kinakaharap ng Shari’ah legal at judicial system ng Pilipinas.

Pangungunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang unang araw ng summit sa Marso 5. Teresa Tavares