Kauna-unahang ‘Tanod Olympics’, idinaos sa Maynila!

Kauna-unahang ‘Tanod Olympics’, idinaos sa Maynila!

March 19, 2023 @ 4:02 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang Tanod Olympics sa lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ang naturang aktibidad nitong Linggo, Marso 19, nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pangunguna ni LTCol. Rosalino Jhun Ibay ng MPD – Raxabago station.

Layon nito na masukat ang liksi ng mga barangay tanod na magsilbing first responders ng mga distrito sa Tondo, Maynila sa pagresponde sa mga sunog, aksidente, at pagsawata sa mga kriminal.

Ang magwawagi rito ay magkakamit ng P100,000. RNT