Kauna-unahang tweet, 15-anyos na

Kauna-unahang tweet, 15-anyos na

March 22, 2021 @ 11:40 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – “just setting up my twttr”

Ito ang naging kauna-unahang tweet sa buong mundo, 15 taon na ang nakararaan ni Jack Dorsey na co-founder at CEO ng Twitter.

Ang nasabing Tweet noong Marso 21, 2006 ay ibenibenta na ngayon sa auction kung saan umabot na sa $2.5 million ang bidding.

15 taon na ang nakalilipas nakilala na ang Twitter bilang global platform na naging controversial at dominant force sa civil society.

Sa Linggo ihihinto ang bidding at ani Dorsey na ang makukuhang pera ay ido-donate niya sa charity. Ulat mula AFP


  •  
  •  
  •