KAUTUSAN NI PRRD PARA SA MURANG GAMOT IPATUTUPAD NA

KAUTUSAN NI PRRD PARA SA MURANG GAMOT IPATUTUPAD NA

December 10, 2021 @ 8:21 AM 10 months ago


MAY mga hindi gaanong pinapansin ng mga mamamayan na balita na kapaki-pakinabang sa kanila at sa ating lahat at kabilang dito ang kapipirma lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order 155 para bumaba ang presyo ng mga gamot laban sa mga nakamamatay na sakit.

Kabilang sa mga nakamamatay na sakit na sakop ng mga pinamura at dekalidad na gamot ang mga sumusunod: sakit sa puso, diabetes, sakit sa bato, mahinang buto, pagsusuka at pagkahilo, asthma, sakit sa baga, malapot na dugo, impeksyon, pagtaas ng dugo, sobrang kolesterol, galucoma, parkinsons disease, at iba pa.

Nasa 34 na gamot saklaw ng nasabing kautusan.

PRESYO DAPAT LANTAD

Itinatadhana ng kautusan na dapat i-display o ipakita ng lahat ng manufacturer, importer, distributors, wholesaler, trader and retailer, ang mga minimum o bultuhan na presyo sa mga gamot sa kanilang mga bilihan at bentahan para maging gabay rin ng mga mamamayan sa kanilang pagbili ng gamot at para masubaybayan ng mga kinauukulan ang pagsunod ng lahat sa kautusang ito.

Binibigyan ang lahat ng manufacturer, importer, distributors, wholesaler, trader and retailer ng nasa tatlong buwan para ubusin ang lahat ng kanilang mga stock at susunod na rito ang murang presyo.

HETO SILANG MGA GAMOT

Magandang magkaroon kayo ng listahan ng mga nasabing gamot sa bulsa bilang gabay sa presyo.

Alam naman natin na may mga hindi sumusunod sa kautusan sa pagbebenta ng mura, lalo na ang mga parmasya na puno ng mga resetang may komisyon sa mga doktor at kasama rin dito ang maraming ospital, maging pribado o pampubliko.

Sa totoo lang, may mga presyo sa mga ito na nasa P50 o mahigit pa sa isang kapsula o tableta at makikita ninyo ito sa mga resibo ngayon.

Heto ang mga tatak ng mga gamot: Ibandronic Acid, Oxycodone, Sumatriptan, Dexmedetimidine, Nitroglycerin, Flecainide, Fenoterol + Ipratropium Bromide, Theophylline, Clavulanic Acid + Ticarcillin, Tinzaparin, Levetiracetam, Acarbose, Insulin Glulisine, Insulin Lispro + Insulin Lispro Protamine, Liraglutide, Metformin + Saxagliptin, Desmopressin, Palonosetron, Acetazolamide, at Pravastatin.

Kasama rin ang Amlodipine + Hydrochlorothiazide + Valsaran, Amlodipine + Perindopril, Amlodipine Telmisartan, Atenolol + Chlorthalidone, Bosentan, Fosinopril, Hydrochlorothiazide + Quinapril, Iloprost, Indapamide + Perindopril, Lercanidipine, Metolazone, Nimodipine, Quinapril, Trandolapril + Verapamil, Verapamil, Afatinib, Erlotinib, Exemestane, Fulvestrant, Gefitinib, Bromocriptine, Bumetanide, Oxybutynin, Octreotide, Everolimus, Infliximab, Tacrolimus, Tocilizumab, Deferasirox at Betamethasone + Salicylic Acid.

 TULAK NI BONG GO

Lumalabas na pangunahin sa mga nagtulak sa pagkakagawa ng EO 155 si Senator Bong Go bilang implementasyon ng Universal Health Care Act na nagtatadhana ng mura ngunit dekalidad na gamot.

Salamat kina Pang. Digong, Sen. Bong Go at lahat ng nagtulong-tulong para magawa ang UHCA at sa mga susunod sa EO 155.