Kawalan ng ambisyon ng kabataang Pinoy, bubusisiin sa Senado

Kawalan ng ambisyon ng kabataang Pinoy, bubusisiin sa Senado

September 25, 2022 @ 2:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pasisimulan ni Senator Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Youth ang pagbusisi sa mga ulat na nawawalan na umano ng ambisyon sa buhay ang karamihan ng mga kabataang Filipino.

Nitong Lunes, Setyembre 19 ay inihain ni Angara ang Senate Resolution No 226 na tututok sa usapin ng kawalan ng mga pisikal na aktibidad at ambisyon ng mga kabataan.

Kung babalikan, naglabas ng pag-aaral ang World Health Organization noong 2019 na apat sa lima, o 81% ng mga Pinoy edad 11 hanggang 17 ay wala nang mga physical activities.

“While the study showed that a majority of adolescents worldwide were not meeting the minimum WHO recommendation of at least 60 minutes of daily physical activity, the fact that the Philippines was at the top of the list is alarming and immediate action should be taken to address this problem,” ani Angara.

Sa pag-aaral rin ng The Dream Project PH, nalaman ni Angara na walo sa 10 Filipino teenagers ay wala nang ambisyon o pangarap sa buhay sa mga sumusunod na dahilan:

– Kawalan ng oras na mapag-usapan ang ambisyon o pangarap ng isang bata.
– Kawalan ng role model ng mga kabataan.
– Limitadong motibasyon mula sa komunidad.
– Limitadong pagkakataon upang makapag-aral.
– Kahirapan sa buhay.

“We need to look into these alarming trends that stand in the way of the dreams of our youth. The progress of our country largely depends on the development of our youth and so we must find ways to nurture their dreams and ensure they have all the tools they require to attain these,” pagtatapos ng Senador. RNT/JGC