Kawalan ng plano sa 2022 F2F classes pinuna ng solon

Kawalan ng plano sa 2022 F2F classes pinuna ng solon

December 14, 2021 @ 1:42 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Para kay Marikina Rep Stella Quimbo wala pang tamang paghahanda ang pamahalaan para sa pagsasagawa ng  face-to-face classes para sa taong 2022.

Ayon kay Quimbo bagamat may pilot testing na para sa face to face classes na isinasagawa ay hindi pa ito sapat kung plano nang maibalik sa normal ang in-person classes.

“I think kulang din sa plano kung anong gagawin next year kasi noong tinignan ko rin naman kung merong budget for transitioning to face-to-face classes, wala rin,” ani Quimbo.

Aniya, sa ngayon ay marami pa rin guro at estudyante ang humihiling na magkaroon ng gadgets para sa online learning.

“Kung wala kang budget for gadgets, ibig sabihin noon nagta-target ka to reopen ngayong 2022, pero nasaan yung budget for that purpose?” dagdag nito.

Sinabi ni Quimbo na ilan buwan na lamang ay sisimulan na ang 2022 opening classes at dapat ngayon pa lamang ay may paghahanda na para dito.

“The reopening of schools and campuses would also need a budget for hand washing facilities, sanitation, medical supplies, and additional classrooms”ani Quimbo.

Matatandaan na una nang nagpahayag ang Department of Education (DepEd) na pabor ito na palawakin pa ang  face-to-face classes pagdating ng Enero 2022 kung saan daragdagan na ng grade levels at mas mahabang class hours

 Sa kasalukuyan ay nasa 272 public schools ar 18 private schools ang nagsadagawa ng pilot implementation ng  face-to-face classes sa bansa. Gail Mendoza