Kawalan ng safety officers sa mga kompanya, sinita ng DOLE

Kawalan ng safety officers sa mga kompanya, sinita ng DOLE

July 14, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang mga opisyal at komite na magtitiyak sa pagsunod sa mga patakaran ng gobyerno sa kaligtasan sa mga lugar ng trabaho ang karamihan sa mga kumpanya ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Miyerkules.

Sinabi sa Laging Handa briefing ni Occupational Safety and Health Center (OSHC) executive director Noel Binag na kabilang sa karaniwang paglabag na napapansin sa mga labor inspection na isinagawa ng ahensya sa maraming establisyimento.

Bukod aniya rito ay ang kawalan ng first-aid responders at ang malalaking kumpanya ay dapat mayroong occupational health personnel na dapat naka-syandby sa anumang emergency o aksidente.

Samantala, sinabi ni Binag na ang pagtataguyod ng kaligtasan sa lugar ng trabaho ay dapat na isang shared responsibility.

“The prevention of accidents or illnesses in the workplace requires that cooperation, not just the job of DOLE or OSHC. This is a joint effort of our employers, our safety officers, and especially the participation of our workers. They have a big role to play because if they see such imminent dangers, we call their attention. Let’s help our employers so that the workplace is in order and safe,” dagdag pa ni Bunag.

Ang pahayag ni Bunag ay kasunod ng nangyaring aksidente sa Makati City kung saan dalawang manggagawa ang masawi matapos bumagsak ang ginagawang elevator ng 38 palapag na gusali.

Lunes ng gabi naman nang masawi rin ang anim na construction worker nang bumagsak naman ang konkretong bakod ng kanilang barracks sa Barangay Kaybagal Central sa Tagaytay City.

Sa kabilang banda, sinabi niya na ang mga manggagawa ay maaaring tumanggi na magtrabaho kung may napipintong panganib sa lugar ng trabaho.

“We call that the presence of imminent danger. Our workers have the right to refuse to work because of this situation-imminent danger. They also have the right to report to their safety officer, to their employer and especially to the Department of Labor and Employment,” dagdag pa ng opisyal.

Ang pagpapatupad ng mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan sa mga lugar ng trabaho ay alinsunod sa Republic Act 11058 o ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Act.

Sa ilalim ng batas, ang mga kumpanya ay maaaring sampalin ng pang-araw-araw na administrative fine mula P20,000 hanggang P100,000 para sa hindi pagsunod sa mga kinakailangan sa occupational at health safety. Jocelyn Tabangcura-Domenden