P30B offshore patrol vessel deal tinintahan ng DND, SoKor firm

June 29, 2022 @8:34 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Tinintahan ng Department of National Defense (DND) at South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries (HHI) ang P30 billion offshore patrol vessel (OPV) contract na naglalayong magbigay ng anim na OPVs sa Philippine Navy (PN).
Sa isang kalatas, sinabi ni Defense spokesperson Arsenio Andolong na nilagdaan nina Secretary Delfin Lorenzana at HHI vice chairperson at president Sam Hyun Ka ang nasabing kasunduan sa DND building sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
“The event was witnessed by South Korean Ambassador to the Philippines Kim In-cheol; General Andres Centino, Chief-of-Staff, Armed Forces of the Philippines; Rear Admiral Caesar Bernard N. Valencia, Acting Flag-Officer-In-Command, PN; and other DND, AFP, and HHI officials,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi ni Andolong, ang OPV project ay naglalayong paghusayin ang maritime patrol capabilities ng PN at isama ang technology transfer, partikular na ang human engineering operators a maintenance training ng equipment, operations training, technical publications, at manuals.
“In addition to this is a design ownership, granting the PN license to manufacture/build using the OPV’s design for the exclusive use of the Philippine government,” dagdag na pahayag nito.
Ang OPV project ay prayoridad sa ilalim ng Second Horizon of the Revised AFP Modernization Program, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong May 2018.
“The two sides also signed a lifetime service support contract for the sustainment of the two Jose Rizal guided-missile frigates now in service in the PN, ” ayon kay Andolong.
“These planned OPVs measure 94.4 meters long, 14.3 meters wide, and gave a displacement of 2,400 tons, maximum speed of 22 knots, cruising speed of 15 knots, and a range of 5,500 nautical miles,” aniya pa rin.
Ang paunang pondo para sa OPV project ng PN na umabot na sa P3 billion ay ipinalabas ng Department of Budget (DBM) noong Hunyo 16 sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO)-BMD-D-22-0004970.
Nauna rito, sinabi ni Lorenzana na ang South Korean shipbuilder ay pinili ng technical working group (TWG) ng PN para sa proyekto.
Inaasahan naman na papalitan ng OPVs ang World War II surface assets na “decommissioned” ng PN. Kris Jose
VP ng Tsina ipadadala para sa inagurasyon ni PBBM

June 29, 2022 @8:21 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng China ay dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 bilang isang “espesyal na kinatawan,” sabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila noong Martes.
Sa impormasyon mula sa Chinese Foreign Ministry, sinabi ng embahada na ipinapadala ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang vice president, si Wang Qishan, sa event.
“As the special representative for President Xi Jinping, Chinese Vice President Wang Qishan will attend the inauguration ceremony for the Philippines’ president-elect Ferdinand Marcos Jr on June 30: Chinese Foreign Ministry,” base sa mensahe ng embahada sa mga reporter.
Inaasahang dadalo ang mga dayuhang delegasyon sa inagurasyon ni Marcos sa Pambansang Museo sa Maynila.
Kabilang sa mga ito ay kinabibilangan ng United States Second Gentleman Douglas Emhoff, na itinalagang mamuno sa delegasyon ng Washington. RNT
Masayang piknik nauwi sa pagdadalamhati; 13-anyos, tigok sa ilog

June 29, 2022 @8:08 AM
Views:
17
ILOCOS SUR- Nauwi sa pagdadalamhati ang masayang piknik ng isang pamilya matapos malunod ang isa sa mga miyembro nito sa Amburayan River sa Brgy. Bio, Tagudin ng lalawigang ito kahapon.
Kinilala ang biktima na si Trisha Mae Garcia Alano, 13, 2nd year high school, residente ng Brgy. Cabugbugan, Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon sa Tagudin Municipal Police Station, ang pamilya ng biktima ay nagpunta sa Amburayan River para magpiknik.
Nang mag-dive ang biktima para maligo, bigla itong hinatak ng malakas na kuryente o pressure ng tubig at dinala ito sa malalim na bahagi ng ilog.
Tinangkang iligtas ng kanyang mga kapamilya ang biktima at agad din silang humingi ng tulong sa MDRRMC Tagudin para hanapin ito pero hindi nila makita ang biktima.
Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan nila ang biktima kaya agad nila itong isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay ideneklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso
DOH: Requirements muna bago release ng COVID health benefits

June 29, 2022 @7:54 AM
Views:
14
MANILA, Philippines – Muling hinihimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng health facilities na isumite ang lahat ng documentary requirements para sa pagbibigay ng healthcare worker benefits na may kaugnayan sa COVID-19.
Kabilang dito ang klasipikasyon ng CREC (COVID-19 Risk Exposure Classification), mga pagpapatunay at Memorandum of Agreement.
Ang Liquidation Reports na sumasaklaw sa anumang nailipat na pondo mula sa DOH ay dapat ding isumite sa kani-kanilang DOH Centers for Health Development (CHDs).
Ang napapanahong pagsusumite ay magpapadali sa agarang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA); Meals, Accommodation, and Transportation (MAT) allowance; at One COVID-19 Allowance (OCA) na pondo sa ating mga healthcare workers at frontliners na karapat-dapat na mabayaran sa oras.
Hinihimok ng DOH ang lahat na gawin ang kanilang bahagi tungo sa layuning ito.
Gaya ng binanggit sa Commision on Audit (COA) Circular No. 2012-001 na may petsang Hunyo 14, 2012, ito ay isang pangunahing prinsipyo na ang lahat ng mga paghahabol laban sa mga pondo ng pamahalaan ay dapat suportahan ng kumpletong dokumentasyon.
Higit pa rito, ang parehong COA Circular ay nag-aatas na, para sa anumang mga bagong paglilipat ng pondo, ang mga pondong nauna nang inilipat sa ahensyang nagpapatupad – ang mga health facilities sa kaso ng SRA, MAT, at OCA – ay dapat munang ma-liquidate at ma-account.
Ang pinakahuling datos na nakalap ng Department of Health (DOH) Metro Manila Center for Health Development (MM CHD) ay nagpapakita ng mga sumusunod na halaga na hindi pa rin nalilinaw ng mga pribadong health facilities: PhP 68 milyon ng SRA sa 117 na pasilidad sa kalusugan; PhP 21 milyon ng MAT sa 39 na health facilities; at PhP 145 milyon ng OCA sa 56 na health facilities.
Mayroon ding 10 local government units na hindi pa nakakaliquidate ng pinagsamang halaga na PhP 101 milyon sa lahat ng tatlong benepisyo, at 3 national government hospitals na hindi pa nakakaliquidate ng PhP 30 milyon ng SRA.
“The DOH is following established government accounting rules and regulations meant to ensure that the public funds for COVID benefits reach each and every healthcare worker they are meant for,” sabi ni Health Undersecretary and Chief of Staff Leopoldo J. Vega.
“The DOH is more than willing to guide PHAPI on policies that aim to ensure appropriate use of government funds. We also invite PHAPI and other interested healthcare worker groups to please join our regular forums where we provide updates on the status of the benefits,” dagdag pa ni Vega. Jocelyn Tabangcura-Domenden
13 patay, aktibong kaso ng COVID sa Pinas lagpas 7,000 na!

June 29, 2022 @7:40 AM
Views:
18