Kawani ng gobyerno arestado sa drug ops

Kawani ng gobyerno arestado sa drug ops

February 24, 2023 @ 11:31 AM 1 month ago


BUTUAN CITY –Syut sa kulungan ang isang kawani ng Surigao del Norte provincial hospital matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Caraga Region (PDEA-13), ang nadakip na suspek na si Garry Asumen, 42, ng Barangay Bad-as, Placer, Surigao del Norte.

Ayon sa PDEA-13 kinokonsiderang “high-value target” ang suspek kung saan nakumpiska ang 1 gramo ng shabu na may street value na P10,000.

Samantala, nahuli rin ng mga tauhan ng Butuan City Police Office (BCPO) sina Joe Aguinaldo, 38, at Argie Trinidad, 26, na nasa top regional priority target sa Barangay Agusan Pequeño. Nakuha sa dalawa ang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.

Sa report naman ng Surigao del Sur Police Provincial Office, naaresto rin ang isang Rey Parba Jualo, 33, ng Barangay Tubo-Tubo, Cagwait, Surigao del Sur. Nasamsam naman kay Jualo ang 6 na pirasong pakete ng shabu na aabot sa halagang P13,600.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang naarestong suspek./Mary Anne Sapico