Kawani ng Manila City Hall arestado

Kawani ng Manila City Hall arestado

June 15, 2018 @ 1:46 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kalaboso ang isang kawani ng Manila City Hall matapos mahulihan ng baril sa loob ng isang beerhouse kagabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ito sa pamamagitan ng nakuhang ID na si Rodelio T. Reyes, nasa hustong gulang at nakatalaga sa  Engineering and Public Works.

Nabatid na nagsagawa ng “Oplan Bakal” ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang matyempuhan ang suspek  at mapansin ang nakabukol nitong baril dahilan upang siya ay bitbitin sa prisinto para maimbestigahan.

Inihahanda pa ang kaukulang kaso na isasampa laban kay Reyes. (Jocelyn Domenden)