Kawani ng munisipyo, ama timbog sa shabu

Kawani ng munisipyo, ama timbog sa shabu

July 29, 2022 @ 1:50 PM 2 weeks ago


M’LANG, North Cotabato- Arestado ang kawani ng munisipyo at ama nito matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nitong Martes, sa bayang ito.

Sa pinagsamang pwersa ng Special Action Force at mga ahente ng anti-narcotics nadakip ang mag-amang suspek na sina Mohar Talimbo, 34, civil security unit officer sa Mlang District Hospital, at ama nitong si Jimmy, 62, kapwa miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at residente sa Barangay Dungguan ng naturang bayan.

Ayon kay Director Naravy Duquiatan ng Philippine Drug Enforcement Agency–Soccsksargen, bandang 5:00 PM nadakip ang mag-amang Talimbo sa kanilang bahay sa bisa ng ipinatupad na search warrant.

Narekober sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may street value na P81,000, isang M16 rifle, isang Bushmaster rifle, isang improvised explosive device, magazine ng baril, at mga bala.

Sinabi pa ng pulisya na nasa high value target ng mga awtoridad ang mag-ama na ngayon ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Explosives)./Mary Anne Sapico