Kawani ng munisipyo binaril, patay!

Kawani ng munisipyo binaril, patay!

July 28, 2022 @ 12:15 PM 3 weeks ago


SAN ANDRES, Quezon- Patay ang kawani ng munisipyo matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek haban ang una naglalakad, Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Raffy Gardon, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Pansoy sa nasabing bayan.

Batay sa report ng San Andres Police Station, dakong alas-7:30 ng umaga naganap ang krimen sa Sitio Mabato, Barangay Pansoy ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng makarinig ng mga putok ng baril ang bayaw nito nagpakilala bilang isang Desabello.

Ayon kay Desabello, tinunton niya ang mga putok ng baril at nakita ang biktima na nakabulagta sa lupa at wala ng buhay habang naliligo sa sariling dugo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico