Kawani ng munisipyo, tiklo sa shabu

Kawani ng munisipyo, tiklo sa shabu

February 11, 2022 @ 9:41 AM 8 months ago


Cebu City- Shoot sa kulungan ang isang kawani ng munisipyo matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Bryan Manriquez, 22, kawani sa Cebu City Market Administration at residente sa Sanciangko, Barangay Pahina San Nicolas, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Waterfront Police Station , dakong 9:15 PM isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Lapu Lapu, Barangay San Roque.

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na bumili ng shabu laban sa suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Manriquez.

Nakuha mula sa suspek ang 21 pakete na naglalaman ng shabu at tinatayang nasa P78, 880.00 at tinurn-over na ito sa PNP Crime laboratory.

Ayon sa pulisya ang suspek ay nasa listahan ng mga drug personalities at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag illegal drugs./Mary Anne Sapico