Kawani ng Ombudsman binoga, kritikal

Kawani ng Ombudsman binoga, kritikal

February 1, 2023 @ 4:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy pa rin nasa malubhang kalagayan ang isang babaeng na sinasabing umanong kawani ng Office of the Ombudsman matapos na barilin siya ng isang lalaki habang naglalakad kaninang umaga, Pebrero 1 sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Director PBGEN Nicolas Torre III ang biktima na si Dianne Jane Paguiran, 37 anyos, residente ng 998, Unang Hakbang St. Brgy. San Isidro, Q.C.

Ayon sa ulat ng Galas Police Station 11, bandang 8:20 ng umaga (Pebrero 1) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Quezon Avenue, corner Cordillera St. Barangay Doña Josefa, Q.C.

Lumalabas na habang naglalakad si Paguira nilapitan siya ng suspek at tila nag-away ang dalawa dahilan upang barilin ng huli ang una saka mabilis na tumakas.

Agad naman sinugod ang biktima sa Capitol Medical Center kung saan nanatiling nasa krtikal na kalagayan si Paguira.

Pinag-utos naman ni Nicolas ang pagsasagawa ng follow up operation upang mabilis na madakip ang suspek at inaalam naman ng kapulisan kung kilala ng biktima ang bumaril sa kanya. Jan Sinocruz