Kawatan kulong sa CP ng lolang pinag-interesan

Kawatan kulong sa CP ng lolang pinag-interesan

November 28, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang walang patawad na kawatan nang pag-interesan pang nakawin ang cellphone ng isang tulog na tinderang lola kahapon ng umaga, Nobyembre 27 sa Navotas.

Kinasuhan ng theft ang suspek na si Pedro Cabalhaon, 39 anyos ng Blk. 41, Sitio Marcelo, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper.

Dakong 9:15 a.m. ay naaalimpungatan biktimang si Imelda Sablaon, 57, ng Blk. 7, Lot 64 Buwan-buwan St., Brgy. NBBS Proper sa kanilang burger store sa Lapu-lapu Ave., corner North Bay Blvd, Brgy. NBBS Kaunlaran, nang maramdamang tinangay ng suspek ang kanyang cell phone na nakalagay sa tabi ng ulo ng kanyang apo.

Kumaripas si Cabalhaon na sinabayan naman ng paghingi ng tulong ng biktima sa mga pulis na nagpapatrolya na nagresulta sa pagdakip sa suspek at pagkabawi sa cellphone ng biktima na nasa P8,000 umano ang halaga. Merly Iral