KAWAWANG MGA INA

KAWAWANG MGA INA

March 15, 2023 @ 12:31 AM 2 weeks ago


HABANG magkakasunod ang mga masaker kaugnay ng mga politiko, sunod-sunod din ang mga pagpatay sa mga ina.

Kung nalulungkot tayo sa mga masaker, tumatagos din sa puso ang kalungkutan sa pamamaslang sa mga ina.

LAST SUPPER NI INA

Good husband si Romier Narag at loving wife si Frances Kendra Lucero, parehong 27 anyos, at may dalawa silang napakaliliit pang anak na edad 3 at 4.

Patunay rito ang pagsasama-sama nila para kumain ng hapunan sa isang restoran sa Daly City, kamakailan lang.

Pero habang papauwi sila sa bahay, nakita na ang dalawa na nag-aaway at humantong ito sa pagbunot ng baril si Narag saka pinagpuputokan si Lucero.

Sa harap ng mga walang kamuwang-muwang na mga bata, bumulagta si Lucero na duguan at agad na nalagutan ng hininga.

Mabuti’t naaresto naman kaagad si Narag at ngayo’y nahaharap sa patong-patong na kaso na homicide, paglalagay sa matinding panganib sa mga bata at pagtatago ng baril sa tumatakbong sasakyan at baril na kargado ng bala.

INANG SENYOR DINOSPORDOS NG ANAK

Ang kawawa ring si Ma. Elena Estella Villastique, 67, hindi inakalang sarili niyang anak ang kikitil sa kanyang buhay nitong mga nagdaang araw lamang sa Pasig City.

Kung hindi pa nangamoy ang kanyang bangkay mula sa styro box na itinapon sa Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan, hindi pa nadiskubre ang krimeng ginawa sa kanya.

At sa huli, ang anak niyang si Raymond mismo ang umaming pumatay sa kanya.

Higit dito, mismo ang anak ni Raymond ang nagsabing nakita niyang pinatay ng kanyang ama ang lola niya.

Dugtong ang pag-amin at pagtuturo ng sariling anak ang nakita sa CCTV na may hihinilang malaking kahon si Raymond palabas sa kanilang eskinita sa Brgy. Villalamok, Pasig.

‘Yun na pala ang naglalaman ng bangkay ng kanyang ina na kanyang pinalo ng dos por dos na namatay agad at iyon ang itinapon niya sa Bulacan.

MAY SANGGOL NG MISTER NA ADIK

Sa Don Carlos, Bukidnon naman, hindi naitago ang pambubugbog at pagpatay sa kanyang sariling asawa si Elson Jamisola, 27, loob ng kanilang bahay sa Poblacion Sur.

Kuhang-kuhang ng CCTV kung paano pinagsusuntok, pinagpapalo ng silya at pinagsasaksak ng mga basag na salamin ni Jamisola ang misis nitong si Kimberly Achas, 22.

Kitang-kita naman kung paano nasaksihan ngunit sanggol pa lang na anak nila ang pangyayari hanggang sa mahulog ito sa pinaglagyan sa kanya.

Nasa 16 na malalalim na saksak mula sa basag na salamin ang ikinasawi ng biktima habang itinatakbo sa ospital.

Talamak na adik umano si Jamisola at pinaniniwalaang isa itong malaking dahilan ng paggawa ng malagim na krimen sa kanyang asawa na tila pumapasok pa sa iskul bilang third year college student.

Ano na ba ang nangyayari sa ating inang bayan?