Kawhi inoperahan sa tuhod

Kawhi inoperahan sa tuhod

July 14, 2021 @ 12:41 PM 1 year ago


LOS ANGELES — Matagumpay ang ginawang operasyon sa tuhod ni Los Angeles Clippers superstar Kawhi Leonard upang iayos ang partial tear nito sa kanang ACL.

Hindi nilinaw ng  Clippers ang naging injury nito kung kaya hindi na nakalaro sa unang Western Conference finals appearance ng koponan.

Ayon sa Clippers, walang timetable para sa kanyang pagbabalik koponan.

May average si Leonard na 30.4 points, 7.7 rebounds at 4.4 assists sa 11 playoff games. Una itong na-injured sa Game Four ng koponan sa second-round series kontra sa Utah Jazz.

Hindi ito nakalaro ng huling walong postseason games kasama ang  4-2 na pagkatalo ng Clippers kontra sa Phoenix Suns sa West finals.

Sinabi lang ng Clippers na si Leonard ay may knee sprain at hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

May player option si Leonard para sa 2021-22 season at may average itong 24.8 points, 6.5 rebounds at 5.2 assists sa 52 regular-season games.RICO NAVARRO