Kaysa mang-intriga: REP. Alejano, hinamon ni SAP Bong Go na gamitin ang koneksyon sa Philippine Navy

Kaysa mang-intriga: REP. Alejano, hinamon ni SAP Bong Go na gamitin ang koneksyon sa Philippine Navy

June 24, 2018 @ 11:22 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Hinamon ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na direktang itanong sa Philippine Navy kung ano ang sadya ng Chinese plane na lumapag sa ikalawang pagkakataon sa Davao City.

Sa halip aniya na intrigahin ang gobyerno ay makabubuti kay Alejano na gamitin ang kanyang koneksyon sa Philippine Navy para mapahiya at malaman na nag-refuel lamang ang nasabing eroplano ng Tsina.

Ani Go, walang ibang sadya ang Chinese plane sa Davao kundi ang mag-refuel at tulad ng naunang lumapag na eroplano ay nagpaalam ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na inaprubahan dahil sa maayos namang pagsunod sa mga batas ng Pilipinas.

Muli ding iginiit ng opisyal na hindi naman bago ito sa ibang bansa at sa katunayan maging ang Pilipinas ay ginagawa din ito.

Sinusugan naman ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag na ito ni Go.

Aniya, “Same as 1st. Refuelling stop. All licenses, permits and protocols issued and observed.” (Kris Jose)