KBBM livelihood program na tutugon sa kahirapan, inilunsad

KBBM livelihood program na tutugon sa kahirapan, inilunsad

July 28, 2022 @ 6:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Upang masuportahan ang Administrasyong Marcos sa adhikain nito na mapababa ang poverty rate sa bansa bago matapos ang kaniyang termino, inilunsad ang isang Livelihood and Multi-Sectoral Industry Income Opportunities for the Poor and the New Poor na labis naapektuhan ng pandemya.

Inilunsad ang livelihood project na Kabuhayan sa Bagong Buhay ng Mamamayan (KBBM) sa pangunguna ng Pangulo at Chief Executive Officer ng UCPB-CIIF Finance and Development Corp. na si Rehan Balt Lao, na ang layunin ay tulungan ang mga mahihirap na makabangon sa pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang mga kooperatiba sa iba’t ibang panig ng bansa.

“We believe, that as Filipinos, we should all contribute to this effort to put our country back on the road to progress. Tama si President Marcos…we need to unite and pool our talents and our resolve together to be able to start moving forward,” ayon kay Lao.

Sa programa, tutulungan nilang pondohan o pautangin ang mga bagong itatayong kooperatiba sa iba’t ibang mga lalawigan upang masuportahan ang national economic recovery agenda ng pamahalaan.

Wala umanong ibang requirements at ang kailangan lamang umano na may 50 hanggang 100 miyembro ang mga magtatayo ng kooperatiba at kung anong mga negosyo ang kanilang nais palaguin at ang UCPB-CIIF Finance and Development Corp. na ang magsasailalim sa mga trainings at pagpaparehistro ng mga kinakailangang dokumento.

“We are a small company but we have an expertise that we know, through years of experience, can make a difference in the lives of small people,” ani Lao.

Aniya, halos higit na dalawang dekada na nilang ipinatutupad ang credit programs para pondohan ang mga livelihood activities sa mga rural areas.

“To-date, we have lent out more than P10 billion to nearly half a million coconut farmers in 63 coconut provinces,” pahayag pa ni Lao.

“This is what we are setting to do… to make people aware about cooperativism, convince them to organize, orient them on the basics and link them to government agencies that can help them formalize their organization into a full-blown cooperative,” dagdag pa ng pangulo at CEO ng UCPB-CIIF Finance and Development Corp.

Sa mga nais umanong magtayo ng mga kooperatiba ay maari silang makipag-ugnayan sa kanilang mga sattelite office sa Makati City at mga lalawigan o ‘di kaya ay hanapin lamang ang kanilang facebook page account.

Samantala hinimok naman ni Cesar Ola organizer ng mga Tiangge o ng mga night market na magkaroon ng kooperatiba ang mga Tiangehan sa bansa upang sila ay masuportahan din ng KBBM para lumago ang kanilang mga negosyo. Jan Sinocruz