KC, ayaw bumitiw kay Gabby!

KC, ayaw bumitiw kay Gabby!

November 22, 2020 @ 12:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Masayang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang IG story ang pagkikita nila ng amang si Gabby kamakailan.

“Oh, it’s my dad!” ani KC na walang pagsidlan ang tuwa nang maka-bonding ang ama. Bago pa mag-lockdown noong magkita sila.

“I love you!” pahabol ni KC na sinagot naman ng aktor ng, “I know. Here we are walking down the street of Makati.”

Pasado alas siyete na raw ng gabi when Gabby and KC met up. They dined at a restaurant.

Came bye-bye time mga hatinggabi na.

Kung ang fairy tale character na si Cinderella ay nagkukumahog umuwi ng bahay bago mag-alas dose lest she’ll slip in tattered clothes, si KC naman ay ayaw bumitiw-bitiw sa ama. Halatang bitin sa kanilang bonding moments.

In-assure naman ni Gabby ang anak na he’s just a call away kung nais nitong magkita silang muli the next time around.

Nagsilbing belated celebration na rin ang dinner date ng mag-ama. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...