KC, may jowa na!

January 2, 2023 @ 5:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- KC Concepcion is finaĺly into a relationship!

Usap- usapan ngayon ang pagkakaroon niya ng boyfriend.

Half-Pinoy half-Swiss ang balitang nobyo ni KC.

What’s more, sa pangalan pa lang daw nito’y mahihinuhang madatung ito.

Nasa bansa ngayon si KC who spent her New Year’s Eve with her mom Sharon Cuneta.

Pero nag-Pasko siya sa Switzerland where she’s believed to have met her boyfriend.

Hindi nga lang tiyak kung personal nang naipakilala ni KC ang kanyang significant other sa kanyang ina.

Kung tutuusin, it’s been a long time since KC had a boyfriend.

Isang foreigner ‘yon na naging malapit kay Sharon.

Welcome news naman para sa mga fans ni KC ang pagkakaroon na niya ng nobyo.

Matagal na rin kasi siyang inuurutan na magkanobyo sa tagal na niya sa Amerika.

Matatandaang ang maugong na naugnay kay KC ay si Apl de App pero it turned out na malapit lang sila sa isa’t isa.

Hiling ng mga fans that KC ends up marrying the Fil-Swiss guy para mabigyan na niya ng apo si Sharon.

Dahil nagbabalak din naman daw si Sharon na magretiro sa showbiz, she can keep herself busy with taking care of her grandchild. Ronnie Carrasco III