KC, may jowa reveal!

KC, may jowa reveal!

February 16, 2023 @ 2:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Sa wakas, taken na si KC Concepcion!

Kinilig nga ang mga fans niya sa kanyang boyfriend reveal noong mismong Araw ng mga Puso.

The eldest daughter of Sharon Cuneta shared a 28-second video on Instagram which she captioned: “Happy Valentine, beautiful people (woman fairy and rose emojis).”

Makikita sa video na namamasyal sila sa magarang location ng Filipino-Swiss boyfriend na si Steve Michael Wuetrich.

The short video ended with an image of the couple.

Comment ng mga netizen, siya pala ‘yung Steve na nakikita lang ang mirror reflection sa mga vlogs ni KC.

May nagsabi ring may resemblance si Steve sa Hollywood actor na si George Clooney.

But overall, happy ang mga netizens for KC for having finally found her man na pinapangarap din naman ng kanyang ina para sa kanya.

Hindi ‘yun ang kauna-unahang sighting kay Steve.

November last year when they were seen at a dance concert in Dubai na tampok ang teacher-friend ni KC na kabilang sa G Force.

Sighted pa nga sila ng The Filipino Channel while smooching sa audience area.

Present din si Steve sa kaarawan ni Sharon last January at sa iba pang espesyal na okasyon sa buhay ni KC.

Kung matatandaan, ang huling naugnay kay KC ay si Apl.de.ap but the actress clarified na malapit lang sila sa isa’t isa.

Now, Sharon has every reason to be happy dahil after all, nasa hustong edad na ang kanyang anak to want to settle down with the man she truly loves.

Si Steve Michael na kaya ‘yon? Ronnie Carrasco III