KC, namalengke, nangamote sa pag-Tagalog!

KC, namalengke, nangamote sa pag-Tagalog!

January 27, 2023 @ 5:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – KC Concepcion is now in town fresh from her Swiss trip.

Dahil matagal-tagal ding nawala sa bansa, ang sumalubong sa kanya’y isang walang kalaman- laman na refrigerator.

And to stock up on food, nagpasya siyang mamalengke.

In her vlog, kinaray niya ang kanyang Ninang Connie para mamalengke sa Alabang.

Suot ang face mask, hindi iisipin ng mga taga-Alabang Market na dinayo sila ng isang KC Concepcion.

KC was in her simple self: naka-jeans at t-shirt lang na mukhang hindi pa branded.

Napadpad siya sa bilihan ng halaan o shellfish.

Bungad ng nakapuwestong tindera, kahawig daw niya si KC Concepcion.

Sabay tinanggal ni KC ang kanyang face mask, “Ako nga po ‘yon!”

Ikinatuwa naman ‘yon ng tindera, sabay tanong ng: “Di ba, anak ka ni…?”

Si KC na ang tumapos ng biting tanong ng tindera, “Opo, anak ako ni Gabby Concepcion.”

At doon na ipinaliwanag ni KC ang paraan ng pagluluto ng biniling halaan.

Kaso, obyus na naubusan ng baong Tagalog si KC kaya nagpasintabi sa tindera: “Nano-nosebleed na po ako, eh!”

Lalo pang natuwa ang tindera na ewan kung binigyan nito ng diskwento ang celebrity customer.

For sure, susubukang magluto ni KC ng dish gamit ang biniling shellfish base sa natutunan niya mula sa biyahe sa Switzerland.

Does her stay here mean na balik-showbiz na rin siya o lilipad uli sa ibang bansa? Ronnie Carrasco III