“KD” bibisita muli sa bansa

“KD” bibisita muli sa bansa

July 2, 2018 @ 8:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng isang sportswear brand sa isang press release ang pagbisita ng NBA superstar at Golden State Warriors forward na si Kevin Durant sa Pilipinas bilang parte ng promotional tour ng brand sa July 8.

 

“From the countless hours spent in the gym honing his game, to the sacrifices he makes for love of the game, to going beyond the fear of failure, he wants Filipinos to push harder every time,” sabi ng Nike sa isang press release.

 

Si Durant ay unang pupunta sa Nike Park store sa  Bonifacio Global City, Taguig sa July 8.

Bukod pa rito, kabilang sa mga aktibidad ni Durant sa bansa ay ang meet-and-greet sa fans at training session sa Smart Araneta Coliseum kasama ang ilang piling grupo.

 

Matatandaan na noong 2011 bumisita rin sa bansa si Durant para sa Smart Ultimate All Star Weekend kung saan nakipaglaro siya sa ilang miyembro ng PBA at Gilas Pilipinas.

 

Si Durant ay itinanghal bilang 2018 NBA Finals MVP habang ang kaniyang kupunan naman, Golden State Warriors ang magkasunod na taon ding champion sa NBA.

 

Samantala, Ayon naman sa ilang source, si Durant ay nakapagdesisyon nang pumirma sa two-year deal sa Golden State Warriors kung saan siya ay babayatan ng $30.5 million sa susunod na season. (Remate News Team)