Keempee, dedma sa bday greeting ng ama!

Keempee, dedma sa bday greeting ng ama!

January 10, 2023 @ 11:27 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Golden Boy na si Keempee de Leon nitong January 8.

Ka-birthday niya ang Rock n’ Roll King na si Elvis Presley.

Hindi naman nakaligtas sa kanyang 76 anyos na ama na si Joey de Leon na maalala ang espesyal na araw ng aktor.

Sunud-sunod ang posts niya sa Instagram.

Si Keempee ay anak ni Joey sa dating aktres na si Daria Ramirez.

Bale ba, hindi mapigilan ang mga intrigero na mag-react sa post ni Joey na bati mula sa Dabarkads.

Ang Dabarkads ay ang tropa associated with Eat Bulaga.

Para raw kasing pinapaalala ni Joey ang sama ng loob na naramdaman ni Keempee nang matanggal sa nasabing noontime program.

Nagsilbing host si Keempee ng EB sa loib ng 14 taon, at gaya nga ng sabi niya sa interview ay basta na lang daw siya tinanggal.

Wala raw dahilan na ibinigay sa kanya.

He would have understood daw had he been told na kailangang magbawas ng mga hosts ang programa.

Dahil doon ay aminado si Keempee na dumaan sa matinding depresyon.

Madalas lang daw siyang magkulong sa loob ng kanyang kuwarto, walang kinakausap, ni mag- ahit to look good ay hindi niya nagawa.

But in time ay naka-move on na raw siya.

Pero ang mas masakit daw ay kung sino pa ang inakala niyang masasandalan ng mga panahong ‘yon ay hindi niya maasahan.

Marami tuloy ang nag-iisip na posibleng nagtatampo siya sa sariling ama.

Joey’s posting the Dabarkads photo only added salt on open wounds.

Habang sinusulat namin ito’y wala pang reaksyon si Keempee sa birthday greeting ng ama sa kanya.

Does it mean hindi pa humuhupa ang sama ng loob ni Keempee? Ronnie Carrasco III