Keith Martin, namatay sa heart attack

Keith Martin, namatay sa heart attack

March 29, 2022 @ 3:07 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Walang naganap na foul play sa likod ng pagkamatay ng Amerikanong singer-songwriter na si Keith Martin.

Ayon sa autopsy report mula sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ng Quezon City Police, acute myocardial infarction o heart attack ang sanhi ng pagkamatay ni Keith.

His lifeless body was found on March 25 sa inuupahan nitong condominium unit sa Libis, Quezon  City.

Natagpuan siya sa kanyang kama.

Dahil sa masansang na amoy nito na inireklamo ng kanyang mga kapitbahay kaya natunton ang 57 anyos na singer.

Keith is survived by his 26-year-old son with his ex-wife Melissa Cote Martin and a 14- year- old son with his ex-Filipina girlfriend.

Huli siyang nakitang buhay limang araw bago siya natagpuang patay.

Hanggang March 30 ang public viewing ng kanyang cremated remains sa Immaculate Concepcion Cathedral of Grottos sa Quezon City.

Pinasikat ni Keith ang awiting Because of You noong 2004.

Pinili niyang manirahan sa bansa until his death.

Wala pang detalye tungkol sa pagta- transport ng kanyang bangkay pabalik ng Amerika.

Isinapubliko ang resulta ng autopsy report nitong Lunes, March 28. Ronnie Carrasco III