Kelley Day todo-depensa sa rumored Tom and Carla breakup!

Kelley Day todo-depensa sa rumored Tom and Carla breakup!

January 28, 2022 @ 10:57 AM 8 months ago


Manila, Philippones – Aware si Kelley Day na siya ang itinuturong third party sa umano’y paghihiwalay ng mag-asawag Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Si Kelley ang tinanghal na first runner-up sa Miss Eco International 2020 at Best in National Costume.

Nakatrabaho ni Kelley si Tom sa natapos nang teleseryeng The World Between Us.

Siya ang gumanap bilang third party sa relasyon nina Alden Richards at Jasmine Curtis.

Una nang pinag-usapan sa radio program ni Cristy Fermin ang pagkakadawit kay Kelley bagama’t idinaan sa blind item.

Todo tanggi naman si Kelley nang makaabot na sa kanyang kaalaman ang tsismis.

Aniya, mataas daw ang respeto niya sa mag-asawang Tom at Carla.

Mahigit pitong taon ding magkasintahan ang dalawa bago nagpakasal noong October 23, 2021.

Nasa London ngayon si Kelley para umiwas umano sa tsismis. Worse, buntis daw ito.

Pero paliwanag niya, tumungo siya ng UK para um-attend ng funeral ng isang kaanak. Bukod dito’y pagkakataon na rin daw niya ‘yon para makapiling ang kanyang UK-based family.

Ipinagdidiinan ni Kelley na, “I am not pregnant and never have I been!” kasabay ng panunumpang she’s not Tom’s other woman. Ronnie Carrasco III